Tutol si Sen. Panfilo Lacson sa panukalang palawigin ng isa pang taon ang validity ng 2020 budget.
Ayon kay Lacson, magiging kampante lamang ang mga ahensya sa implementasyon ng mga programa at lalong hindi masusunod ang time frame para sa mga proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Dahil dito, binigyang diin ng senador na hindi siya boboto pabor sa panukala upang magkaroon ng disiplina sa hanay ng mga tanggapan ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyekto sa loob ng panahon na siyang itinatakda ng batas.