Tulad ng COVID-19 pandemic, kailangan na rin umanong wakasan ang matagal nang problema ng bansa hinggil sa insurgency ng mga rebeldeng komunista.
Ito ang binigyang diin ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año makaraang ipagmalaki nito na marami nang lokal na pamahalaan ang nagdeklarang persona non grata sa CPP-NPA-NDF.
Batay sa datos, aabot na sa 1,546 ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa ang mariing kumokondena sa mga gawain ng komunistang grupo.
Katumbas aniya ito ng 64 na lalawigan, isandaan at sampung lungsod at 1,372 bayan na nagpasa ng kani-kanilang mga resolusyon.