Idinulog na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit sa Department of Health ang tila paso nang ulat ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito’y may kaugnayan sa lumolobong bilang ng mga COVID-19 cases sa Kamara na pumalo na sa 98 at ang umano’y paglabag ni House Speaker Lord Alan Velasco gayundin ng iba pang House leaders sa quarantine rules.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, direktor ng QC health unit, wala silang nakuhang sagot mula sa liderato ng Kamara nang maka-ilang beses nila itong hingan ng ulat hinggil sa biglaang pagsipa ng mga naitatalang kaso.
Sa ilalim aniya ng DOH guidelines, dapat magpatupad ng clustering kung makapagtala ang isang tanggapan o workplace ng dalawang kaso ng coronavirus.
Una nang umaalma ang mga kawani ng Kamara dahil sa tila cover up ng house leadership sa tunay nilang estado kaya hindi ito nagpatupad ng lockdown gayundin na rin anila ang hindi pag-aksyon dito ng DOH.