Umaasa ang Office of the Vice President na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang mga isinasagawang pagsisikap para sa COVID-19 tests.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang napagtanto ang kahalagahan ng mass testing matapos ang ilang buwan.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice Presidente Leni Robredo, walang maliit na bagay o nahuhuli sa laban ng bansa kontra COVID-19.
Sinabi ni Gutierrez, kailangang ipagpasalamat ang bawat bagay, maliit man o malaki, na nakatutulong sa bansa sa panahon ng krisis.
Iginiit naman ni Gutierrez na marso pa lamang ng kasalukuyang taon, isinusulong na pangalawang Pangulo ang pagsasagawa ng mass testing.