Bukas na muli ang cash lanes sa lahat ng expresssways sa gitna na rin ng transition period para sa contactless radio-frequency identification (RDIF) collection system.
Ipinabatid ito ni Toll Regulatory Board Spokesperson Julius Corpuz matapos mapaulat ang pagbukas muli ang ilang cash lanes sa North Luzon Expressway.
Sinabi ni Corpuz na ipinag-utos na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagbubukas ng cash lanes para maibsan ang trapiko habang pila pa ang mga nagpapakabit ng RFID stickers bukod pa sa hindi mabasa ng sensors ang ilan sa mga stickers na ito.