Siniguro ng isang telecommunications company na magpapatuloy ang kanilang ginagawang expansion o pagpapalawig ng kanilang network.
Sa inilabas na pahayag ng Globe Telecom, sinabi nito na sa susunod na taon, target nilang makapagtayo ng karagdagang 2,000 mga cell towers sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Gil Genio, chief technology at information officer ng Globe, kanilang ipinagpapasalamat ang pagpapagaan sa mga permit requirements.
Dahil dito, ani Genio, mas naging mabilis din ang pagpapatayo nila ng mga cell sites.
Mababatid sa datos ng Globe, umabot na sa higit 1,000 mga cell sites ang kanilang naitayo noong 2019, habang nasa 1,300 na mga bagong cell sites ngayong taon.