Hindi papayag ang Pangulong Rodrigo Duterte na mapag-iwanan o hindi makabili ang Pilipinas ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng report na kino-korner ng mga mayayamang bansa ang mga bakuna.
Sinabi ni Roque na kumikilos na ang pangulo para matiyak na may makukuhang bakuna ang bansa pagtuntong ng 2021.
Sigurado aniyang pursigido rin si vaccine czar Carlito Galvez para makakuha ng bakuna na target bilhin sa mga kumpanyang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sinopharm.
Target ng gobyernong inisyal na mabakunahan ang 60-milyong Pilipino.