Ini-eexport na ng gobyerno ang terrorist activities nito.
Ito, ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ay ginagawa ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ng NDFP International Information Office na pina-plano ng administrasyon ang pagtatayo ng NTF-ELCAC calls sa North America at Europe para i-monitor ang galaw at i-red tag ang mga progresibong grupo na nakikisimpatya sa NDFP, foreign solidarity friends at entities, mga personalidad na kontra sa Duterte administration kasama ang mga opisyal ng NDFP at bumubuo sa peace panel nito.
Nagbabala ang NDFP sa posibilidad na maging target ng neutralization at assassination ng Duterte administration ang mga nasabing indibidwal.
Ipinaalala ng NDFP na si National Security Adviser Hermogenes Esperon, vice chair ng NTF-ELCAC at umano’y may kumpas sa task force ay bahagi noon ng top level military officers na nagtatago bilang diplomats ay ipinadala ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Amerika, ayon sa US Defense Intelligence Agency para imonitor at mag-operate laban sa mga oposisyon dito tulad ng mga aktibistang sina Silme Domingo at Gene Viernes na kalaunan ay tinambangan din.