Iniutos ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsusuot ng face mask at face shield sa pampublikong lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito’y sang-ayon sa bagong polisiyang napagkasunduan ng IATF.
Nauna rito, ginawa ring mandatory ang pagsusuot ng face shield sa iba’t ibang establisyimento gaya ng mga shopping malls.
Iginiit naman ni Roque na sa paraang ito ay makasisiguro ang bawat isa na makadaragdag ito ng proteksyon laban sa virus.
Halos lahat naman tayo meron na tayong face shield, e. Kasi hindi ka makapagtrabaho, hindi ka makapunta sa mall nang walang face shield. Reyalidad, lahat tayo meron nang face shield, ang bagong rule nalang is isuot kapag lalabas ng bahay,” ani Roque.