Kailangan nang umusad ang usapin hinggil sa pagpapalit ng sistema ng ating pamahalaan o Charter Change.
Ayon kay Quezon Province Second District Representative David Suarez, maayos na konstitusyon ang mainam na gawin para magkaroon ng aniya’y ‘better normal’ sa bansa.
Pagdidiin pa ni suarez, mas kailangang pag-usapan ang cha-cha dahil iba’t-iba na ang nangyaring kalamidad sa bansa gaya ng sunod-sunod na bagyo at ang nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Binigyang diin din ni Suarez, ang pag-institutionalize sa Mandanas ruling para matulungan ang mga local government units (LGUs) at masiguro rin ang internal revenue allotment mula sa pambansang buwis.
Kailangan din aniya ng LGUs ng mas mataas pang pagkukunan ng pondo para ipangtugon kontra COVID-19.
Samantala, sa kabila nito, paalala ni Suarez, dapat maging maingat ang mga kapwa nito mambabatas sa pagtalakay ng isyu.