Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng diskwento sa remitance fee ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s .
Dalawang daan at dalawampu’t apat (224) na mga kongresista ang bumoto pabor sa House Bill 7951.
Sa ilalim nito, dapat bigyan ng 50% discount mga bangko at non-bank financial intermediares ang sinisingil nilang bayad sa pagpapadala ng pera ng mga OFW’s sa kanilang kaanak sa Pilipinas.
Maaari namang bawiin ng mga bangko at non-bank intermediaries ang ibinigay na diskuwento sa mga OFW’s bilang tax deduction na ituturing bilang isang ordinaryo at kinakailangang gastos na nababawas sa kanilang kita.
Gayunman, hindi naman maaaring lumagpas sa P24,000 bawat OFW kada taxable year ang idedeklara ng mga establisyimentong nagbigay ng diskuwento bilang kabuuang halaga na nabawas sa kanilang kita.
Maliban dito, hindi rin maaaring magtaas ng remittance fee ang mga financial at non- bank intermediaries nang walang paunang konsultasyon mula sa Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Overseas Employment Administrator.