Para mapabilis ang pagbangon at pagpapapatatag ng ekonomiya ng bansa, isinumite ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Senate Bill No. 1953 o Bayanihan to Rebuild as One Act o Bayanihan 3.
Ayon kay Recto, layunin nito na mas mapabilis ang pagbangon at pagpapapatatag ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapabilis ng vaccination program , pagtulong sa pamilya, manggagawa at maliliit na negosyo na lubhang naapektuhan ng pandemya at nagdaang mga bagyo.
Sa ilalim nito may ilalaang P485-bilyon para gugulin ng gobyerno sa naturang mga programa.
Mula sa naturang halaga P55-bilyon ay pambili ng gamot at bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) at P55-bilyon para sa pangangasiwa ng bakuna, pagkuha ng contact tracers at sa COVID-19 tests na sasagutin ng PhilHealth at para sa hazard duty pay ng health workers.
May ilalaan ding pondo para sa social amelioration o ayuda sa mahihirap at mga manggagawa na lubhang apektado ng pandemya at ng mga nagdaang malalakas na bagyo.
Pinabibigyan din ng pondo ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) para sa internet allowances ng mga guro at estudyante.
Inaatasan dito ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan sa puhunan at restructuring ng utang ang malilit na negosyo habang pinabubuo ang National Economic Development Authority ng economic resilience plan.
Ang inihain ni Recto ay conterpart ng Bayanihan 3 na inihain sa kamara ni Marikina Congreswoman Stella Quimbo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
Senate President Pro Tempore Ralph Recto has filed Senate Bill 1953 or Bayanihan to Rebuild as One Act or Bayanihan 3 | via @OBueno https://t.co/SLwDagvVba
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 16, 2020