Nagpahayag ng kanyang reservation si Senator Christopher Bong Go sa plano ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa low risk areas sa susunod na buwan.
Ayon kay Senator Go, para sa kanya mas makabubuti na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng face to face classes hanggat wala pang napapatunayan na ligtas at epektibong bakuna kontra COVID-19.
Giit ni Senator Go, Chairman ng Senate Committee on Health, no vaccine no face-to-face classes pa rin.
Ito ay dahil kapag aniya may isang nagpositibo back to square one o back to zero na naman tayo at panibagong contact tracing na naman ang mangyayari.
Ayon kay Go ilang buwan na lang naman magsasara na ang school year kaya makabubuting antayin na lang natin na meron nang ligtas at epektibong bakuna para unti-unti makapag-adjust na tayo sa normal nating pamumuhay.
Diskumpiyado din si Senator Go kung papayagan ng mga magulang ang kanilang mga anak na dumalo na sa face to face classes sa panahong mayroon pang pandemya.