Nagpaalala ang Department of Agriculture-Western Visayas kaugnay sa pagbili ng mga hamon o Christmas ham sa social media.
Ayon kay Remely Recoter, regional executive director ng DA-Western Visayas, ito ay dahil sa banta pa rin ng African swine fever (ASF) kaya’t pinag-iingat ang lahat sa pagoorder sa social media.
Ani Recoter, nuong nakaraang linggo lamang ay nakakumpiska ang ahensya ng hot meat sa Negros Occidental at pinaniniwalaang ginamit ang social media sa pagorder ng produkto.
Babala ni Recoter hindi malayong maka order din ang ibang mga residente sa social media ng ham na mayroong ASF na pinangangambahang makapasok at kumalat sa Western Visayas.