Huwag na muna tumanggap ng mga regalo at aginaldo ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang pulong balitaan ni Pangulong Duterte, iwasan na munang magpunta sa mga ninong at ninang ang mga kabataan dahil maaaring mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon pa kay Pangulong Duterte, maging kalmado muna dahil marami pa naman aniyang Pasko na darating.
Kawawa aniya ang mga ninong at ninang na lalabas pa at bibili ng regalo dahil may posibilidad silang mahawaan ng COVID-19.
Gayunpaman, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na ipagdasal ang bansa at may mga sakit habang wala pang bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Samantala, nagpaalala si Duterte na patuloy na sumunod sa health at safety protocols ngayong Kapaskuhan.