Muling binalaan ng Bureau of Immigration ang publiko kaugnay sa paglitawan ng mga illegal recruitment scheme.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, sinasamantala ngayon ng mga illegal recruiters at human traffickers ang mga Pinoy na nangangailangan o naapektuhan ang hanapbuhay ng pandemya bunsod ng COVID-19.
Ani Morente tiyak na marami ngayon ang gusto na ulit makapagtrabaho sa ibayong dagat upang makapag simula na ulit ng pagbangon para sa kanilang pamilya.
Payo ni Morente mahalagang i-double check kung legal nga ba ang nilalapitang recruiter o recruitment agency upang hindi mabiktima ng mga manloloko.
Kaugnay nito, inatasan naman ni Morente ang mga tauhan ng Bi port na maging mapagmatiyag laban sa mga trafficking attempts.