Inaasahang maipagpapatuloy na ang pagpaparehistro sa 20-M mga Pilipino sa Philippine Identification System o PhilSys.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P3.52-B na budget para naturang programa ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesperson ang 20-M mga Pinoy ay bukod pa sa 50-M Filipino na target ng pamahalaan na maiparehistro sa PhilSys sa pagtatapos ng 2021.
Inaprubahan ni Pangulong Duterte noong 2018 ang PhilSys act na may layong gumawa ng isang opisyal na IDentification card para sa lahat ng citizen at foreign resident sa bansa.