Hindi na ikinagulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang hindi pagdedeklara ng ceasefire ngayong pasko ang Communist Party of the Philippines New People’s Army o CPP-NPA.
Ayon kay Lorenzana, maituturing na ito na rin ang sagot ng CPP-NPA matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na niyang magkaroon ng tigil putukan ang militar sa mga komunista hanggang sa matapos ang kaniyang termino.
Gayunman sinabi ni Lorenzana na wala naman siyang nakikitang problema rito dahil 2 panig naman ang walang planong magdeklara ng ceasefire.
Sa katunayan ay lugi nga aniya ang sundalo kapag may ceasefire dahil hindi naman umano sumusunod ang mga NPA sa tigil putukan.