Inaasahan ng gobyerno ang pagdating sa bansa ng apat na bakuna kontra COVID-19 sa unang tatlong buwan ng 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga bakunang ito na inaasahang darating sa first quarter ng 2021 ay mula sa Russia Gamaleya Institute at ang Sinovac, Sinopharm at Cansino ng China.
Sa second quarter naman aniya inaasahang makakakuha ang bansa ng suplay ng bakunang AstraZeneca mula sa British drug group.
Sa third quarter naman ang posibleng pagdating ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer, Covax, Johnson & Johnson’s, Novavax at Moderna.
Una rito, nabunyag ang pagkabulilyaso ng negosasyon ng bansa sa maaga sanang pagdating ng bakuna mula sa Pfizer kung saan ang itinuturong may kasalanan ay si Health Secretary Francisco Duque III.