Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang general manager ng Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA).
Ito’y matapos akusahan si Steve Dicdican na kaniya umanong pinapayagang mag-manage ng paliparan ang ilang dayuhan.
Batay sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman nuong Disyembre 14, nahaharap sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service si Dicdican.
Sinasabing matibay ang “evidence of guilt” na inihain laban sa opisyal.