Hawak na ng Malakaniyang ang kopya ng panukalang mahigit P4.56-T national budget para sa susunod na taon.
Matapos mapasakamay ang panukalang 2021 budget uubra na ito nang ma-review ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang education sector batay na rin sa konstitusyon ang nakakuha ng pinakamataas na pondo sa P708.2-B at sinundan ng dpwh sa P694. 8-B.
Nasa P287.47-B naman ang pondo ng health sector kung saan kabilang ang P72.5-B para sa COVID-19 vaccines.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na gagamitin nito ang kanilang line item veto power kung kinakailangan at posibleng malagdaan niya ang 2021 national budget bago magpasko.
Una na ring pinalawig ng mga mambabatas ang validity ng 2020 general appropriations act hanggang Disyembre 31, 2021.
Pinalawig din hanggang Hunyo 30, 2021 naman ang validity ng mga pondo sa ilalim ng bayanihan to recover as one act.