Arestado ang isang dating alkalde sa Chihuahua state sa Mexico dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kasong pagpatay sa isang mamamahayag noong 2017.
Ayon sa korte, hinihinalang si Hugo Amed Shultz ang nagbigay ng impormasyon sa isang organisadong crime group na siyang pumaslang sa journalist na si Miroslava Breach.
Ang Mexico ay kasama sa listahan ng Reporters Without Borders ng mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag.
Si Breach ay isa sa 11 journalists na napatay at nagkober sa giyera kontra droga ng Mexican government.