Napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang miyembro ng isang kilabot na special operating unit ng Abu Sayyaf Group.
Kinilala ni PNP-AKG Director P/BGen. Jonnel Estomo ang napatay na bandido na si ibrahim anduhol na mas kilala sa alyas na Tongtong na kasapi ng grupong Barahama Ali at nago-operate sa Zamboanga, Sibugay.
Sisilbihan lamang sana ng warrant of arrest ng pulisya si Anduhol dahil sa kasong pagpatay sa upper pangi sa bayan ng Ipil nang makatunog sa presensya ng mga awtoridad at agad niyang pinaputukan ang mga ito.
Dagli namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na siya namang nagresulta sa agarang pagkamatay ng aarestuhing kriminal.
Ayon pa kay Estomo, pang-apat si Anduhol sa mga most wanted person sa lalawigan dahil sa pagkakasangkot nito sa kidnapping at pagpatay sa sundalong si SSgt. Juan Ablao ng Philippine Army nuong 2018 gayundin kay Pat. Arthur Decena ng station drug enforcement team nito lamang Disyembre 6.
Agad dinala sa kaniyang pamilya ang labi ni Anduhol upang maisailalim sa paglilibing salig na rin sa tradisyon ng relihiyong Islam.