Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang lalaking pitong beses na gumahasa sa sariling anak sa Inabanga, Bohol.
Kinilala ni PNP-AKG Director P/Bgen. Jonnel Estomo ang suspek na si Ruben Nestor Millanes Genita na naaresto sa tinutuluyan nitong bahay sa Brgy. Lutao sa nabanggit na bayan sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong incestous rape at sexual assault.
Batay sa reklamo ng biktima, maka-ilang beses umano siyang ginahasa ng kaniyang sariling ama mula pa nuong 2015 hanggang nito lang isang taon.
Dahil dito, kasalukuyan humihimas na ng rehas na bakal ang suspek sa Bohol Provincial Police Office at isinailalim na ito sa proper booking and documentation bago iharap sa korte na naglabas ng warrant laban sa kaniya.