Muling nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID-19, anim na araw bago ang mismong araw ng Pasko.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 2,122 bagong kaso ang kanilang naitala .
Dahilan upang umakyat na sa 456,562 kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bumandera ang Quezon City sa mga lugar sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng virus na aabot sa 160.
Sinundan ito ng lalawigan ng Rizal, Bulacan, lungsod ng Makati sa Metro Manila at Davao City sa Mindanao
Mula sa kabuuang bilang, pumapalo na sa 27,021 ang aktibong kaso matapos madagdagan ng 778 gumaling sa sakit.
Dahilan upang umakyat na sa 420,666 ang total recoveries ng bansa sa COVID-19.
Samantala, nadagdagan naman ng 25 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus kaya’t pumalo na sa kabuuang 8,875 ang death toll ng Pilipinas.