Sumirit na sa 8,702 ang COVID-19 cases sa loob ng Philippine National Police (PNP), matapos na madagdagan ito ng 33 kaso.
Samantala, 18 naman ang naitalang new recoveries sa hanay ng pambansang pulisya, dahilan upang umakyat na sa 8,267 ang mga gumaling na PNP personnel, habang nasa 408 naman ang mga aktibong kaso.
Nananatili naman sa 27 ang mga pulis na binawian ng buhay dahil sa virus.
UPDATE: As of 6:00PM of December 19, 2020, the PNP Health Service recorded 18 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Saturday, 19 December 2020