Sinunog ng mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera ang nakumpiska nilang marijuana sa Benguet noong nakaraang Linggo na nagkakahalaga ng mahigit sa P1.3 milyong.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), aabot sa 6,700 halaman ng marijuana plants at mahigit 3,000 seedlings ang kabuuang winasak.
Sa bilang na ito, 2,800 na halaman ang nadiskubre sa 700 metro kuwadradong marijuana farm sa Sitio Bulisay, Kayapa, Bakun, Benguet noong Huwebes.
Nitong Biyernes, nasabat naman ng pulisya ang nasa 1,400 halaman ng na may na nagkakahalaga ng P280,000 sa Sitio Wasan sa nabanggit na lugar.
Nasamsam naman ang 2,500 halaman ng marijuana at mahigit 3,200 marijuana seedlings sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet nitong Sabado.