Dead on the spot ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilang salarin habang bumibili ng sorbetes sa isang tindahan sa Ormoc City, Leyte.
Ayon sa pulisya, ang biktimang si Police Corporal Ruffy Pepito, 38 taong gulang, ay nakatalaga sa Silago Municipal Police Station.
Sa paunang imbestigasyon, bumibili ng ice cream si Pepito nang may dumating na sasakyan bago bumaba ang isang lalaking naka-camouflage at niratrat ang biktima.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang naturang krimen.