Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang Kalayaan Islands kasabay ng paglakas ni Vicky sa labas ng Philippine Area of Responsibility bilang tropical storm nitong gabi ng linggo.
Batay sa weather bulletin ng PAGASA mababa na ang tyansang lumakas pa si ‘Vicky’ na napauna nang inanusyong bilang ganap na tropical storm, alas-8 ng gabi.
Huling natagpuan si Vicky 85 km Timog-timogkanluran ng Kalayaan, Palawan na may dalang hanging 65 kph at may pagbugso ng hanging aabot sa 80 kph
Samantala patuloy naman ito sa pagkilos dakong kanluran na may bilis na 20kph at inaasahang kikilos pakanluran-timog kanluran o timog dakong kanluran sa loob ng 24 oras sa West Philippine Sea bago kumilos pakanluran sa Martes.
Asahan din ang malalakas na hangin at hanging amihan bunsod ng bagyo sa mga bahagi ng Kalayaan Islands, Batanes, Babuyan Islands, and the Northern portions of Cagayan, Apayao, and Ilocos Norte.—sa panulat ni Agustina Nolasco