Pinayagan nang makabiyahe ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang karagdagang 30 mga pampublikong sasakyan.
Sa inilabas na abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga karagdagang pampublikong sasakyan ay ba-biyahe sa Quezon City at sa lalawigan ng Rizal.
Pero paglilinaw ng LTFRB, ang mga ito ay pawang mga modern jeepneys at public utility vans lamang.
Paliwanag ng LTFRB, sa hakbang na ito, tiyak na matutulungan ang riding public na mas mabilis na makahanap ng masasakyang ngayong holiday season.