Patuloy ang ginagawang pagtutok ng pamahalaan sa pakikipag-negosasyon sa mga malalaking pharmaceutical company na gumagawa ng COVID-19 vaccine.
Kinabibilangan ito ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Gamaleya at Moderna.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, target ng pamahalaan na makapag-suplay na sa Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19 sa 4th quarter ng 2021 ang mga nabanggit na pharmaceutical company.
Nananatili naman aniyang nasa 60 milyong Filipino ang initial target na mabakunahan sa loob ng tatlo hanggang limang taon.