Lumawak pa ang international alarm dahil sa umano’y bagong variant ng coronavirus sa United Kingdom.
Kasunod na rin ito ng pagdami ng mga bansang nagdedeklara ng travel ban sa UK dahil sa takot sa bagong coronavirus strain.
Tumaas pa ang alarma matapos ang report na mga biyahero mula sa South Africa ay bawal muna magtungo sa ilang bansa dahil din sa bagong variant ng virus na nadiskubre ring iba sa UK.
Una nang nag report ang mga bansang Australia, Italy, Netherlands at Denmark hinggil sa bagong strain din ng coronavirus.
Ibinabala naman ng kilalang virologist mula sa Rega Institute for Medical Research sa Belgium na si Marc Van Ranst na malalaman din ng marami pang bansa ang pagkakaroon nila ng mga bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).