Magpupulong ang pamunuan ng World Health Organization (WHO) para talakayin ang gagawing hakbang hinggil sa natukalasang bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa United Kingdom (UK).
Ayon kay Hans Kluge, regional director for Europe ng WHO, masusi nilang binabantayan ang bagong strain o uri ng virus.
Dagdag ni Kluge, kanilang pag-uusapan ang mga posibleng gamiting stratehiya para sa gagawing COVID-19 test, pagpapababagal sa transmission nito.
Dahil dito, nagpatupad na ang Pilipinas ng pansamantalang suspensyon sa mga byahe mula UK.
Bukod pa rito, nagpatupad din ng travel ban ang bansang India at Argentina dahil sa kaparehong pangambang sumipa ang kaso ng COVID-19.