Nagpaalala ang pamunuan ng Department Of Health (DOH) hinggil sa paraan kung papaanong maging healthy o masustansya ang mga putaheng ihahanda mamayang noche buena at sa nalalabing holiday season.
Ayon sa DOH, ito’y para maging ligtas ang kalusugan ng bawat isa.
Kabilang sa mga tip na ibinigay ng DOH ay ang mga sumusunod:
- pag-iwas sa labis na matataba, maaalat at matatamis na pagkain;
- pagsuring mabuti ang bibilhing karne at isda para makaiwas sa diarrhea o pananakit ng tiyan at food poisoning;
- at, paghihiwalay sa mga hilaw na karne sa loob ng refrigerator.