Pag-asa, kapayapaan at kaligayahan ang naging kahilingan ng Malakanyang para sa lahat ng Pilipino ngayong pasko.
Kasabay nito hinimok din ng palasyo ang publiko na magkaisa at maging magpasalamat sa lahat ng bagay sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng bansa ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maikakailang nagdulot ng ng takot at lungkot sa bawat Pilipino ang pandemya at mga kalamidad na dumaan sa bansa, ngunit nakita rin naman dito ang sabay-sabay at unti-unting pagbangon ng lahat.
Kasabay nito hinikayat din ni Roque ang publiko na magbahagi ng kanilang biyaya sa mga kapos palad o lubos na naapektuhan ng pandemya o kalamidad.