Humirit pa si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa Meralco na palawigin pa hanggang anim na buwan ang kanilang “no disconnection policy”.
Ayon kay Zarate, ito’y para mabigyan pa ng mahabang panahon ang mga customer na maging stable sa kanilang finances at makumpleto ang bayarin sa kuryente lalo na sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, umaasa aniya si Zarate na maipagpapatuloy ng kamara ang imbestigasyon kaugnay sa napaulat na overcharging ng Meralco sa mga customers sa gitna ng pandemya.