Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng LRT-2 ang kanilang train operations matapos na madama sa Metro Manila ang pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol.
Sa abiso ng LRT-2, ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang isasagawang pagsusuri at assesment ng mga kawani ng kanilang engineering, maintenance, at safety and security team sa pasilidad ng mga istasyon ng tren.
Paliwanag ng LRT-2, ito’y para matiyak na ligtas na magagamit ng riding public ang mga pasilidad ng istasyon at mga tren nito.