Hindi muna pahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos makipagpulong sa Inter-Agency Task Force (IATF) at ilang health experts tungkol sa natuklasang bagong strain ng coronavirus sa United Kingdom at South Africa.
Matatandang inaprubahan ng Presidente ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Gayunman, binawi ito ni Duterte sa pagsasabing hindi muna niya ito papayagan hangga’t hindi natatapos ang pandemya.