Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa 79 na pasaherong dumating sa Pilipinas na galing ng United Kingdom.
Sinabi ni Duque na sa 59 na test results na inilabas noong nakalipas na biyernes, 53 dito ang negatibo habang 23 ang pending cases.
Pero ayon sa kalihim, hindi pa nila masabi kung ang positive result na ito ay ang new variant ng COVID-19, dahil magsasagawa pa aniya ng pagsusuri hinggil dito ang mga eksperto mula sa Philippine Genome Center (PGC).
Pahayag ni Duque, kung pagbabasehan ang current evidence ng bagong strain ng virus, ito ay mayroong 70% higher transmissibility.
Ngunit, inihayag ng kalihim, na wala pang indikasyon na ang new COVID-19 strain ay nagdudulot ng mas malubhang karamdaman at may epekto sa pagtalab ng bagong bakuna kontra virus.
Samantala, dinala na sa New Clark City sa Tarlac ang nagpositibong pasahero na mula UK upang sumailalim sa 14 na quarantine.