Labis na ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) sa Caraga Region ang pagsuko ng may 32 kilabot na mandirigma ng New People’s Army (NPA).
Ito’y matapos pormal na manumpa sa watawat ng Pilipinas ang mga naturang rebelde mula sa iba’t-ibang bahagi ng Agusan Del Norte kasabay ng ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Personal na tinanggap ni PNP Caraga Regional Director P/Bgen. Romeo Caramat Jr. ang mga sumukong rebelde sa simpleng seremoniyang isinagawa sa Butuan City.
Kasamang isinuko ng mga dating rebelde ang kanilang mga armas tulad ng isang sub machinegun, M14 rifle, 11 at 12 gauge shotguns at anim na pistola.
Sinunog din ng mga nagbalik loob na dating rebelde ang watawat ng mga komunista na simbulo ng tuluyan nilang pagtalikod sa maling ideyolohiya at armadong pakikibaka.