Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa malaking posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Dulot ito ng pag-iral ng dalawang Low Pressure Area (LPA) sa magkabilang bahagi ng Pilipinas na siyang dahilan ng nararanasang pag-ulan sa araw na ito.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, batid naman nilang maraming nakabakasyon sa kasalukuyan dahil sa holidays.
Subalit kailangang maging laging listo at handa upang maiwasan ang pagkakaroon ng casualties at makadagdag pa sa problemang mararanasan bago magpalit ang taon.