Nagpasaklolo na sa militar ang national Task Force against COVID-19 upang mapigilang makapasok sa bansa ang bagong strain ng coronavirus disease.
Ito’y makaraang makipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan ng sulu sa Inter-Agency Task Force (IATF) matapos matukoy na pinasok na rin ng nasabing virus ang kalapit nitong isla ng Sabah sa bansang Malaysia.
Ayon kay National Task Force Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, pinakikilos na rin nila ang response team ng pamahalaan upang bantayan ang mga paliparan na posibleng maging daan upang makalusot ang virus.
Sa ipinatawag na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa malakaniyang kagabi, iminungkahi naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na harangin muna ang boarder ng Pilipinas sa Sabah upang masala ang mga naglalabas masok na mga Pilipino rito.