Ipinagdiinan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi nila ihihirit na maalis sila bilang teroristang grupo sa ilalim ng Anti-Terrorism Act dahil hindi naman nila kinikilala ang legal authority ng Philippine government.
Ang pahayag ay ginawa ng CPP matapos maglabas ng resolusyon ang Anti-Terrorism Council (ATC) kung saan inihanay na nito ang New People’s Army (NPA) sa listahan ng mga terorista.
Ngunit ayon kay Marco Valbuena, tagapagsalita ng CPP Central Committee, ang kanilang partido, gayundin ang NPA, at kilusang rebolusyonaryo ay labas sa legal jurisdiction ng pamahalaan ng Pilipinas.
Bukod dito, binigyang diin ni Valbuena na hindi rin nila kinikilala bilang lehitimong batas ang Anti-Terror Law.