Lumarga na muli ang mga pampasaherong bus mula at patungong Baguio City.
Ayon sa Baguio City Public Information Office, tatlong bus ng Victory Liner sa Cubao terminal nito ang nagbiyahe pa-Baguio City, alas-5 ng madaling araw, alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon, simula ngayong araw na ito.
Alas -8 ng umaga, ala-1 ng hapon at alas-5 ng hapon, araw-araw, ang mga itinakdang biyahe ng Victory Liner mula Baguio City, pa-Cubao terminal.
Ang point-to-point fare ay P576.
Mahigpit namang ipinatutupad ng Victory Liner ang “no complete documents, no boarding” policy.
Kabilang sa mga kailangang dokumento para makabiyahe ang QR-coded tourist pass at negative antigen swab test result na valid 72-hours bago magbiyahe sa mga galing Cubao, pa-Baguio City, at travel authority, medical certificate at valid government issued I.D. naman sa mga magmumula ng Baguio City, pa-Cubao terminal.