Gumugulong na ang imbestigasyon ng Joint Task Force coronavirus disease (JTF COVID) kaugnay sa mass gathering ng El Shaddai nitong Kapaskuhan.
Makikita kasi sa event kung saan naka-live stream sa youtube account ng Delta Broadcasting System, na marami sa mga debotong dumalo ang hindi na-obserba ang social distancing kahit pa nakasuot ang mga ito ng face mask.
Giit ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya, taliwas ito sa ginagawang effort ng mga lokal na pamahalaan na iwasan ang mga mass gathering.
Ginanap ang naturang pagtitipon sa house prayer sa Amvel City of Faith sa Parañaque na pagmamay-ari ni Mike Velarde.