Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng ilang mga kongresista na umano’y sangkot sa kurapsyon sa mga infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay aniya ito resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Kabilang sa mga binanggit na pangalan ni Pangulong Duterte si Occidental Representative Josephine Ramirez-Sato, Ifugao Representative Teddy Baguilat Jr., Quezon City 2nd District Representative Alfred Vargas, Misamis Occidental Representative Henry Ramil Oaminal.
Gayundin sina isabela 4th District Reresentative Alyssa Sheena Tan, Northern Samar 1st District Representative Paul Ruiz Daza, Quezon 4th District Representative Angelina Helen Tan, Act Cis Representative Eric Yap At Bataan 1st District Representative Geraldine Roman.
Pinasibak din sa puwesto ni Pangulong Duterte ang mga District Engineers ng DPWH na isinasangkot sa kurapsyon sa ahensiya.
Nilanaw naman ng Pangulo na hindi pa napatutunayang guilty sa alegasyon ng kurapsyon ang mga binanggit niyang kongresista.
I just want to assure everybody that ‘yung pagbasa sa pangalan ninyo is not a condemnation or indictment that you are guilty of something.… Do not take it as gospel truth na totoo talaga ‘to. Lumabas lang ito sa investigation ng PACC,”pahayag ng Pangulong Duterte.