Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng pahintulot para maturukan ng COVID-19 vaccine na Sinopharm ang ilang sundalo, kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration.
Ito ang iginiit ng Malakanyang matapos aminin mismo ng Pangulo na may ilang sundalo at sibilyan na ang nabigyan ng naturang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng desisyon ito ng mga commanders at ng mismong mga sundalong nagpabakuna.
Dagdag ni Roque, hindi mandatory o sapilitan ang pagpapabakuna ng mga sundalo.
This must been made by the soldiers and probably by the commanders kasi hindi naman ito makakarating sa sundalo kung walang go signals ng mga commanders, and I understand this is voluntary walang sapilitan , it was not mandatory, kung sila lang ang may gusto pupwede. Hindi ko po alam kung government sanctions it is a personal decision, alam niyo po ang decision kung magpapabakuna it is always a personal decision, kahit ikaw ay isang sundalo at ayaw mo pang magpabakuna kahit anong brand ng bakuna yan hindi ka po mapipilit″, pahayag ni Roque.