Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hanggang sa P3K gratuity pay para sa mga Contract Of Service (COS) at Job Order (JO) na manggagawa ng pamahalaan.
Batay sa Administrative Order Number 38, sinabi ni Pangulong Duterte na nararapat lamang pagkalooban ng year-end gratuity pay ang mga naturang manggagawa bilang pagkilala sa kanilang kasipagan.
Aniya, inatasang mag-report sa trabaho ang mga nasabing empleyado sa kabila ng umiiral na community quarantine sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Alinsunod sa utos ng Pangulo, pagkakalooban ng hindi hihigit sa P3K one-time gratuity pay ang bawat COS at JO workers na nagtatrabaho ng hindi bababa sa 4 na buwan hanggang nitong Disyembre 15.
Habang hindi naman hihigit sa P2K ang ibibigay na gratuity pay sa mga COS at JO workers na nakapagsilbi na ng higit 3 buwan pero mas mababa sa 4 na buwan.
Pagkakalooban naman ng hangggang 1,500 gratuity pay ang mga COS at JO workers na nagtatrabaho ng mas mababa sa 3 buwan hanggang 2 buwan.
Hindi naman hihigit sa P1K ang ibibigay sa mga nagserbisyo nang mas mababa sa 2 buwan.