Wala nang low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA sa loob ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na nakalabas na ng bansa ang LPA na nasa bahagi ng West Philippine Sea at ngayo’y namataan sa layong 55-kilometro timog ng Pag-asa Island.
Nalusaw naman na ang isa pang LPA na nasa silangan ng northern Luzon.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa na huling namataan sa layong mahigit 1,000-kilometro, silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay inaasahang papasok ng bansa sa mga susunod na araw.