Ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng mga hakbangin para mabawasan o tuluyang buwagin ang korupsyon sa ahensya, batay na rin sa mahigpit na utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ito ni DPWH Secretary Mark Villar kung saan kabilang sa ipinag-utos ng pangulo ang pag-reshuffle sa district engineers.
Sinabi ni Villar na kakausapin niya sa susunod na linggo ang mga sinibak ng Pangulong Duterte na district engineers.
Hiningi aniya sa kanya ng pangulo ang listahan ng lahat ng district engineers sa bansa matapos ibunyag ang pakikipagsabwatan ng ilan sa mga ito sa kongresista para sa katiwalian.
Binalaan ni Villar ang mga district engineers ng matinding parusa kapag napatunayang sangkot sa korupsyon.